Natry mo na bang mainlove? 100 % sure , naranasan mo na nga mainlove.. Walang sinuman ang hindi makakaramdam ng pag-ibig. E yan yung isa sa mga bagay sa mundo na huhubog na maging mas malakas ang lood, mas matatag ang pakiramdam, at mas matibay ang paninindigan ng isang tao. Pero minsan nagiging malupit yung pag-ibig, maraming nasisirang pamumuhay dahil sa maling pag-ibig. Isa na yung sa librong pinilit na ipabasa sa akin ng professor ko ang "The Great Gatsby". May pagka-classical siya,oo, pero mas madali natin siyang maiintindihan dahil sa kanyang mga sialitang ginagamit :) Nung May 2013 nga lang pinalabas yung pelikula na may bidang kinahuhumalingan ng kahit sinong babae at binabae, pati na rin ang iilang mga lalaki na si Leonardo DiCaprio
GLIMPSE SUMMARY OF THE GREAT GATSBY
Yun na nga, ginampanan niya ang SAKSAKAN NG YAMAN na si "Jay Gatsby". Kung iniisip mo na ineexaggerate ko lang yung yaman niya. Isipin mo. Sino ba naman sa atin na nilalang na gagastos ng milyun-milyong piso para magpaparty na dinadaluhan ng hindi mo naman kilala? Diba? Siya lang naman yung may isip na kayang gawin yun,diba? Ngunit sabi nga ng iilan, lahat ng bagay ay may dahilan. Nagpapakaubos siya ng kanyang salapi para lang magpapunta ng daang daang tao sa kanyang bahay para lang makita ang kaisa-isang minamahal sa buhay na si Daisy Buchanan. Sadly, hindi niya pa rin nakuha ang kanyang ginusto. Dahil sa pag-ibig, nagawa niyang takpan sa kasalanan si Daisy kahit siya ang napunta sa peligro. Dahil sa pag-ibig,namatay siya . Tapos ang istorya.
Pag-ibig nga naman, hindi mo na alam kung ano ginagawa mo dahil sa pag-ibig na yan. Darating nalang yung panahon na iisipin mo na bakit mo nagawa yung mga bagay na yon. Tatawanan mo ang mga bagay na kinababaliwan mo dati. Maskit man o masaya,wag mong sisisihin ang sinuman sa mundo, paraan yan ng buhay na turuan kang tumayo sa sarili mong mga paa.
(subject to edit)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento