Huwebes, Agosto 29, 2013

Pag-ibig ba? (The Great Gatsby: Glimpse Summary Taglish Edition)

Natry mo na bang mainlove? 100 % sure , naranasan mo na nga mainlove.. Walang sinuman ang hindi makakaramdam ng pag-ibig. E yan yung isa sa mga bagay sa mundo na huhubog na maging mas malakas ang lood, mas matatag ang pakiramdam, at mas matibay ang paninindigan ng isang tao. Pero minsan nagiging malupit yung pag-ibig, maraming nasisirang pamumuhay dahil sa maling pag-ibig. Isa na yung sa librong pinilit na ipabasa sa akin ng professor ko ang "The Great Gatsby". May pagka-classical siya,oo, pero mas madali natin siyang maiintindihan dahil sa kanyang mga sialitang ginagamit :) Nung May 2013 nga lang pinalabas yung pelikula na may bidang kinahuhumalingan ng kahit sinong babae at binabae, pati na rin ang iilang mga lalaki na si Leonardo DiCaprio

GLIMPSE SUMMARY OF THE GREAT GATSBY

Yun na nga, ginampanan niya ang SAKSAKAN NG YAMAN na si "Jay Gatsby". Kung iniisip mo na ineexaggerate ko lang yung yaman niya. Isipin mo. Sino ba naman sa atin na nilalang na gagastos ng milyun-milyong piso para magpaparty na dinadaluhan ng hindi mo naman kilala? Diba? Siya lang naman yung may isip na kayang gawin yun,diba? Ngunit sabi nga ng iilan, lahat ng bagay ay may dahilan. Nagpapakaubos siya ng kanyang salapi para lang magpapunta ng daang daang tao sa kanyang bahay para lang makita ang kaisa-isang minamahal sa buhay na si Daisy Buchanan. Sadly, hindi niya pa rin nakuha ang kanyang ginusto. Dahil sa pag-ibig, nagawa niyang takpan sa kasalanan si Daisy kahit siya ang napunta sa peligro. Dahil sa pag-ibig,namatay siya . Tapos ang istorya.

Pag-ibig nga naman, hindi mo na alam kung ano ginagawa mo dahil sa pag-ibig na yan. Darating nalang yung panahon na iisipin mo na bakit mo nagawa yung mga bagay na yon. Tatawanan mo ang mga bagay na kinababaliwan mo dati. Maskit man o masaya,wag mong sisisihin ang sinuman sa mundo, paraan yan ng buhay na turuan kang tumayo sa sarili mong mga paa.

(subject to edit)




Miyerkules, Hunyo 12, 2013

Irregular Freshman

Yes. Nakuha ko na Reg Form ko sa wakas… Makikita ko na sched ko at kung saan saang rooms ako mag-aaral. Yun lang,nung cinompare ko na yung form ko sa kapatid ko bakit yung sections ko sa bawat subject iba-iba habang sa kanya pareho lang (meaning iisa lang section niya). Dun ko lang narealize na Irreg pala ako. Naging Irregular lang naman ako hindi dahil sa pula ang grado ko, baka konte lang kasi kami sa course na yun kaya di kami nakabuo ng block section…
Ang dami kong nababasang nega sa pagiging Irregular. Kung magkakaron lang sila ng chance na pumili kung mag-bblock sila o mag-iirregular, mas marami ang gugustuhin na mag-block. Pero di naman yun puro nega. Meron din naman akong nakikitang magagandang rason kung bakit thrilling maging irregular.
Kung challenging person ka, being irregular is good for you. First challenge, Wala kang aasahan kundi ang sarili mo. Iba-iba mga kaklase mo ngayon sa bawat subject kaya iwasan mo ng papetiks petiks lang na parang nasa highschool ka lang. Sariling sikap. Sariling diskarte. In short, youre on your own.
Another thing, You can get to socialize with LOTS and LOTS of different people. Makikipagsalamuha ka sa iba’t ibang ugali, ibat ibang personalidad. Dadami yung mga kaibigan mo, mas marami kang makikilalang mga tao.. 
and btw, irregular students have the right to pick their own schedule. Kaya kung di ka “morning” person, pwede mo ipasok lahat ng subjs mo sa tanghali at hapon.
Yun lang, nasa estudyante lang din naman yan para magtagumpay e. Tamang sikap at pagttyaga rin ang kailangan. 



Good Luck sa mga college freshmen na papasok bilang irreg na tulad ko. :))