Miyerkules, Hunyo 12, 2013

Irregular Freshman

Yes. Nakuha ko na Reg Form ko sa wakas… Makikita ko na sched ko at kung saan saang rooms ako mag-aaral. Yun lang,nung cinompare ko na yung form ko sa kapatid ko bakit yung sections ko sa bawat subject iba-iba habang sa kanya pareho lang (meaning iisa lang section niya). Dun ko lang narealize na Irreg pala ako. Naging Irregular lang naman ako hindi dahil sa pula ang grado ko, baka konte lang kasi kami sa course na yun kaya di kami nakabuo ng block section…
Ang dami kong nababasang nega sa pagiging Irregular. Kung magkakaron lang sila ng chance na pumili kung mag-bblock sila o mag-iirregular, mas marami ang gugustuhin na mag-block. Pero di naman yun puro nega. Meron din naman akong nakikitang magagandang rason kung bakit thrilling maging irregular.
Kung challenging person ka, being irregular is good for you. First challenge, Wala kang aasahan kundi ang sarili mo. Iba-iba mga kaklase mo ngayon sa bawat subject kaya iwasan mo ng papetiks petiks lang na parang nasa highschool ka lang. Sariling sikap. Sariling diskarte. In short, youre on your own.
Another thing, You can get to socialize with LOTS and LOTS of different people. Makikipagsalamuha ka sa iba’t ibang ugali, ibat ibang personalidad. Dadami yung mga kaibigan mo, mas marami kang makikilalang mga tao.. 
and btw, irregular students have the right to pick their own schedule. Kaya kung di ka “morning” person, pwede mo ipasok lahat ng subjs mo sa tanghali at hapon.
Yun lang, nasa estudyante lang din naman yan para magtagumpay e. Tamang sikap at pagttyaga rin ang kailangan. 



Good Luck sa mga college freshmen na papasok bilang irreg na tulad ko. :))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento